Add parallel Print Page Options

Mga Pangangamusta

12 Isinulat ko sa inyo ang maikling sulat na ito sa tulong ni Silvanus. Kapatid natin siya kay Cristo at talagang mapagkakatiwalaan. Napalakas ko sana ang inyong loob sa pamamagitan ng sulat na ito at napatunayan ko ang kabutihan sa atin ng Dios. Manatili kayo sa kabutihan niya.

13 Kinukumusta kayo ng mga mananampalataya sa Babilonia. Katulad nʼyo, mga pinili rin sila ng Dios na maging mga anak niya. Kinukumusta rin kayo ni Marcos na itinuturing kong anak. 14 Magbatian kayo bilang magkakapatid kay Cristo.[a]

Sa inyong lahat na nakay Cristo, sumainyo nawa ang kapayapaan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 5:14 bilang magkakapatid kay Cristo: sa literal, sa pamamagitan ng banal na halik.